INIHAYAG ng Golden Boy Promotions (GBP) na lumagda na ng mahigit dalawang taong kontrata sa kompanya si WBC Youth Intercontinental lightweight champion at knockout artist Romero Duno bago ito umuwi ng Pilipinas.

Unang itinampok ng GBP si Duno nitong Marso 10 sa LA FIGHT CLUB sa Belasco Theater, Los Angeles, California nang patulugin nito sa 2nd round ang dating walang talong si Mexican American na si Christian “Chimpa” Gonzalez para matamo ang bakanteng WBC Youth Intercontinental lightweight title sa kanyang unang laban sa Amerika.

“I am very thankful to Golden Boy Promotions for giving me a chance to showcase my talent on the big stage,” sabi ni Duno. “I also want to thank my team Sanman Boxing for believing in me. I still can’t believe that this is happening to me, God is good.”

“We saw Romero’s power in the ring-he is the real deal,” sabi naman ni Golden Boy Promotions Chairman at CEO Oscar De La Hoya. “He has exceptional power, along with the talent and desire to be a great fighter. He could be the next big boxing star from the Phillipines as time is on his side, and I’m pleased he chose Golden Boy to introduce him to a wider audience in the U.S.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa edad na 21, lamang si Duno na ikinumpara ang galaw sa kanyang kababayang si eight-division world titlist Manny Pacquiao na taga-General Santos City rin sa South Cotabato.

May rekord na 13-1-0 tampok ang 12 knockout, natalo lamang si Duno sa kontrobersiyal na 8-round unanimous decision nang lumaban sa walang talong si Mikhail Alexeev sa VIBS, Ekatirinburg, Russia para sa bakanteng WBO Youth super featherweight title.

Markado na sa United States at maging sa Mexico at ibang bansa sa Latin America si Duno dahil napanood sa malaking audience ang pagtalo niya kay Gonzalez na ipinalabas sa Boxeo Estelar ng Estrella TV. (Gilbert Espeña)