Wala nang magagawa ang mga mamimili sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kasalukuyang buwan.

Ito ay matapos maglabas ng paliwanag ang Department of Trade and Industry (DTI) na noong Oktubre 2016 pa humihirit ang manufacturers na payagan ang mga itong magtaas-presyo sa kani-kanilang produkto.

Ayon sa DTI, nitong nakaraang taon ay nakiusap sila sa manufacturers na huwag munang magpatupad ng taas-presyo dahil nalalapit ang holiday season at pinakinggan umano sila ng mga negosyante.

Sa datos ng DTI, asahang tataas ng 75 sentimos hanggang P1.50 ang presyo ng kape at biskuwit; 25 sentimos sa gatas at de-latang pagkain, at baterya; at P4 naman sa kada kilo ng asukal.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ang pagtataas ng bilihin ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng langis na ginagamit sa pag-aangkat hanggang sa distribusyon ng mga produkto sa merkado, gayundin ang mataas na palitan ng piso kontra dolyar. (Bella Gamotea)