FORT MAGSAYSAY, Palayan City - Nalambat ng pinagsanib na puwersa ng 703rd Infantry Brigade, 56th Infantry Battalion at Carrangalan Police ang isa sa pinakamataas na leader ng New People’s Army (NPA) sa Nueva Ecija nitong Miyerkules.

Kinilala ni 7ID commander Maj. Gen. Angelito De Leon ang naaresto sa mga alyas nitong “Ka Isaac” at “Moises”, kalihim ng Samahang Platun ng Nueva Ecija-Nueva Vizcaya Eastern Pangasinan ng NPA, na natunton ng militar matapos sa Barangay Gen. Luna sa Carranglan habang nangingikil umano sa ilang residente sa lugar.

Nasamsam din pasado 8:00 ng umaga mula sa rebelde ang isang .9mm caliber pistol, isang laptop computer, dalawang granada, isang improvised explosive device (EID), dalawang cell phone, at iba’t ibang paraphernalia sa paggawa ng bomba at mga subersibong dokumento.

May arrest warrant ang rebelde sa kasong homicide noong 2011. (Light A. Nolasco)

Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan