SYDNEY (Reuters) — Hindi militarisasyon ang ginagawa ng China sa South China Sea, iginiit ni Premier Li Keqiang kahapon, sa kabila ng pag-amin na naglagay sila ng defence equipment sa mga isla sa pinagtatalunang karagatan upang mapanatili ang “freedom of navigation”.
Binabatikos ng mundo ang China sa malawakang pagtatayo ng mga istruktura sa South China Sea, ngunit sinabi ni Li sa mga mamamahayag sa Australia na para sa sibilyan ang mga ito.
“China’s facilities, Chinese islands and reefs, are primarily for civilian purposes and, even if there is a certain amount of defence equipment or facilities, it is for maintaining the freedom of navigation,” saad ni Li.