SEOUL (AP) – Iniahon mula sa ilalim ng dagat nitong Huwebes ang 6,800-toneladang South Korean ferry, na lumubog mahigit tatlong taon na ang nakalipas sa timog silangang baybayin ng bansa.

Mahigit 300 katao — karamihan ay mga estudyante sa high school — ang namatay nang lumubog ang Sewol noong Abril 16, 2014.

Sinimulan ng mga manggagawa sa dalawang barge ang salvaging operation noong Miyerkules ng gabi.

Natagpuan na ang bangkay ng 295 pasahero matapos lumubog ang Sewol, ngunit siyam ang nananatiling nawawala. Umaasa ang mga kamag-anak ng mga nawawala na matagpuan sa loob ng ferry ang mga bangkay.

Internasyonal

US President, Vice President binati ang first American pope na si Pope Leo XIV