Posibleng magkaroon ng krisis sa bigas sa bansa kung babalewalain ang kahilingan ng National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng bigas.
Ayon kay NFA Spokesperson Marietta Ablaza, kung hindi mag-i-import ang Pilipinas ng 250,000 metriko toneladang bigas ngayong taon, malaki ang posibilidad na kapusin ang supply nito.
Ang nasabing daan-daang libong metriko toneladang bigas ay gagamitin sa tinatawag na “lean months”.
(Rommel P. Tabbad)