Nagkasundo ang Pilipinas at China na pangibabawin ang pagkakaibigan at isantabi ang iringan sa teritoryo, at naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na tutuparin ng China ang mga pahayag nito na hindi magtatayo ng anumang istruktura sa Panatag (Scarborough) Shoal.

“I was informed that they are not going to build anything sa Panatag. Out of respect for our friendship they will stop it. Hindi nila gagalawin ‘yan. Sabi ng China, ‘Huwag kayong mag-alaala, magkaibigan tayo,’” sinabi ni Duterte sa press conference sa pagdating niya sa Manila kahapon mula sa opisyal na pagbisita sa Myanmar at Thailand.

“That was the assurance given by the Chinese government. They are not going to build anything sa Panatag because they want our friendship. They [won’t] do anything to place it in jeopardy,” aniya.

Tumanggi si Duterte na ibunyag ang pinagmulan ng impormasyon ngunit nagtitiwalang paninidigan ng China ang mga sinabi nito. “China has a word of honor,” anang Pangulo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman sinabi ni Duterte sa tamang panahon ay tatalakayin niya sa China ang arbitral judgment na nagpapatibay sa pag-aari ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“Sabi ko, ‘In the meantime, I set aside.’ But I said remember my caveat that I will bring it up at someone. When?

When they shall have dig the minerals and the riches of the bowels of the sea,” aniya. (Genalyn D. Kabiling)