Nagbanta ang Civil Service Commission (CSC) na kakasuhan ang mga empleyado ng pamahalaan na may dual citizenship.
Sinabi ni CSC Chairperson Alicia dela Rosa-Bala na noong Setyembre 2016 pa niya inilabas ang direktiba na talikuran ng mga kawani ng pamahalaan ang kanilang ikawalang citizenship.
Nilinaw niya na hindi kasama ang mga ipinanganak sa ibang bansa na ang magulang ay Pilipino.
Ang hakbang na ito ng komisyon ay alinsunod sa itinakda ng Republic Act 9225 (Citizenship Retention and Re-Acquisition Act of 2003). (Rommel P. Tabbad)