CABANATUAN CITY - Labis ang pagkadismaya ng ilang magsasaka sa bayan ng Quirino sa Isabela makaraan nilang makumpirmang peke ang mga hybrid palay seeds na itinanim nila. Idinaing ni Judy Bacaycay, 55, ng Barangay Camaal, na Nobyembre 2016 nang nakabili siya ng 12 bag ng pekeng SL 8 hybrid seeds para sa tatlong-ektarya niyang bukirin sa halagang P4,500 kada sako. “Mas mababa kasi sa regular price na P5,000 kada bag, pero peke pala,” sabi ni Bacaycay.

Sinabi naman ni Jade Pedrez, SL Agri-Tech regional business manager, na siyam na katao ang natukoy nilang nasa likod ng bentahan ng pekeng binhi na kasalukuyan pang iniimbestigahan ng kanilang tanggapan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki