NATALAKAN ng sikat na aktres ang baguhang aktor na late nang mag-report sa set ng programa nila.
Hiyang-hiya naman daw ang baguhang aktor at humingi ng dispensa sa mga pinaghintay niya sa set, pero dahil nangyari na, marami ang nairita sa kanya.
Kabagu-bago ng aktor pero nagpakitang-gilas na kaagad sa pagiging late. Samantalang ang mga datihan na o beterano at beteranang artista ay hindi nali-late.
Gusto naming isipin na baka tinanghali lang ng gising ang baguhang aktor o hindi nagising sa alarm clock kaya inabutan ng matinding trapik kaya nahuli sa call time.
Hindi kasi puwedeng ikatwiran ang trapik dahil puwedeng isagot ng production na, “Umalis kang maaga para hindi ka abutan ng trapik o kaya i–advance ng dalawang oras ang travel time para hindi ma-late.”
Kaya walang lusot, maliban na lang kung may balidong rason o kung naaksidente halimbawa.
Actually, may mga naririnig na rin kaming negatibong komento sa working attitude ng baguhang aktor at sana aware siya na ito ang nagiging reputasyon niya or else matutulad din siya sa iba na hindi na kinuha sa anumang project kaya ejected na ngayon sa showbiz. (Reggee Bonoan)