Sinibak sa puwesto ang dalawang pulis matapos maaktuhan ng kanilang hepe habang nag-iinuman sa loob ng Police Assistance Center (PAC) sa bayan ng Currimao sa Ilocos Norte, nitong Miyerkules ng gabi.

Hindi nagdalawang-isip si Senior Insp. Ryan Retotar, hepe ng Currimao Municipal Police, na sibakin sina PO2 Efren Macadaeg at PO3 Jonathan Juan makaraang mahuli niya ang mga ito na nag-iinuman sa loob ng PAC habang naka-duty.

Sinabi ni Retotar na hindi ito ang unang pagkakataon na naaktuhan niyang nag-iinuman ang dalawa niyang tauhan ngunit pinagsabihan at binalaan na umano niya ang mga ito.

Ayon kay Retotar, may nagsumbong sa kanya tungkol sa pag-iinuman nina Macadaeg at Juan sa PAC kaya dinisarmahan niya ang mga ito at ikinulong habang kapwa lasing.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Posibleng maharap sa kasong administratibo sina Macadaeg at Juan sa Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO).

(Fer Taboy)