PAGKATAPOS ng sex scandal video ni Bernard palanca, ngayon naman ay ang basketball superstar na si Kiefer Ravena ang pinagpipistahan. Tungkol ito sa pagkalat ng “pakikipag-sexting” nito sa isang ‘di pa nakikilalang babae sa Viber.
Ang ‘sexting’ ay bagong termino na tumutukoy sa pagpapadala, pagtanggap, pagpu-forward ng sexually explicit messages, photographs or images gamit ang mobile phones, computer o anumang digital device.
Nitong nakaraang weekend, kumalat sa social media ang dalawang screenshot ng diumano’y Viber conversation at photo collage ng Alab Pilipinas player.
Kabilang sa photo collage ang close-up shots ng mukha at ng diumano’y maselang bahagi ng katawan ng basketbolista.
Makikita sa itaas ng screenshots ang pangalang “Kiefer Ravena.”
Sa palitan ng mensahe ay makikita naman ang profile pic ng Viber account ni Kiefer, na kasama sa larawan ang girlfriend na si Alyssa Valdez, ang volleyball superstar ng UAAP at Ateneo.
Base sa kumalat na Viber conversation, nakikiusap si Kiefer sa ka-chat na “tanggalin” na nito ang hindi niya tinukoy na bagay “para walang gulo.”
Wala rin daw “niloloko” ang basketbolista.
Tinanong pa ni Kiefer ang ka-chat kung ano raw ba ang kailangan nito.
Sagot ng kausap na babae: “Stop messaging me.”
Pagkatapos nito ay muling nakiusap si Kiefer na tanggalin na ang tinutukoy niya at humingi pa ng tawad: “sorry na please.”
Sa kanyang Instagram account, maraming mga tagahanga ni Kiefer ang nagpahayag ng pag-aalala kaugnay ng balita tungkol sa kanilang idolo.
Umaasa ang iba na sana ay hindi ito totoo.
May ilang bashers na hindi nilulubayan ng masasakit na salita ang dating star player ng Ateneo Blue Eagles.
Mayroon ding fan na nagsabing nawalan na ito ng gana sa basketbolista.
Pati sa Instagram account ng girlfriend ni Kiefer ay may mga nagkomento na rin tungkol sa isyu.
Pero parehong nananatiling tahimik sina Kiefer at Alyssa.
Bukas ang mga pahinang ito sa kanilang side.