Road rage suspect David Lim Jr stays overnight alone in a Holdin

CEBU CITY – Nag-aalok ng P300,000 pabuya ang pamilya ni David Lim, Jr. sa sinumang makapagbibigay sa kanila ng kumpletong video footage ng alitan sa kalsada na nauwi sa pamamaril ni Lim sa isang 33-anyos na lalaking nurse sa Cebu City nitong Linggo.

Ito ang inihayag ng abogado ni Lim na si Orlando Salatandre Jr., na nagsabing edited at hindi buo ang dash cam video ng insidente na nag-viral sa Internet dahil hindi nakita rito na unang sumugod sa suspek ang biktimang si Ephraim Nuñal.

Sa viral video, si Lim ang nagmistulang agresibo, at patuloy na iginigiit ng kanyang kampo na ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“There was no intention to hurt the victim. But he kept on coming near David, so my client was forced to shot him in the legs to disable him,” giit ni Salatandre sa press conference.

Sa dash cam video mula sa Homicide Section ng Cebu City Police Office (CCPO), makikita na tinangkang sapakin ni Lim si Nuñal. Gayunman, nakailag ang biktima kaya bumalik sa kanyang sasakyan si Lim para kuhanin ang kanyang .22 caliber pistol.

Makikita ring ilang beses na binaril ni Lim, pamangkin ng negosyanteng si Peter Lim, si Nuñal, na tinamaan sa kaliwang hita at kanang bukong-bukong.

“Present the full video...while my client was driving, two cars tailing him kept honking their horns, prompting my client to stop his car and confront the victim and his two companions. A brawl ensued,” sinabi ni Salatandre sa mga mamamahayag.

Sinabi pa ni Salatandre na may kasama si Nuñal na dalawang lalaki na “bigger than the victim”, kaya napilitan si Lim na ipagtanggol ang sarili.

Nagpalipas naman ng magdamag si Lim nitong Martes ng gabi sa selda kung saan nag-iisa siya, sa harap ng mga paratang na may special treatment sa suspek. (MARS W. MOSQUEDA, JR.)