Tuluyan nang nagsampa ng kasong P9.56-bilyon tax evasion ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa Mighty Corporation, isang kumpanya ng sigarilyo, dahil sa umano’y paggamit ng pekeng tax stamps.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Alex Wongchuking, assistant corporate secretary; dating Armed Forces Deputy Chief of Staff Edilberto Adan, executive vice president; retired Judge Oscar Barrientos, vice president for external affairs; at Ernesto Victa, treasurer.

Bukod dito, isinampa rin sa Department of Justice (DoJ) ang kasong unlawful possession of articles sa hindi pagbabayad ng buwis at pag-iingat ng huwad o paggamit ng nagamit nang stamps.

Ang reklamo ay batay sa pagsalakay ng BIR at Bureau of Customs (BoC) sa mga bodega ng kumpanya sa San Simon, Pampanga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi naman ni Atty. Sigfried Fortun, abogado ng Mighty Corp., na “the company welcomes the filing of the complaint as it provides as an opportunity to clear our names and show we violated no laws. We will continue to cooperate with the government in its continuing effort at tax collection.”

Matatandaang pumayag ang nabanggit na kumpanya sa naging kondisyon ni Pangulong Duterte na maghandog ng tig-P1 bilyon sa tatlong ospital sa Mindanao at Maynila, na kinontra ni Finance Sec. Carlos Dominguez at sinabing “napakaliit” nito. (Rommel Tabbad at Jun Ramirez)