NANGAKO si two-division world champion Donnie ‘Ahas’ Nietes na muli siyang manunuklaw upang maidagdag ang bakanteng IBF flyweight crown sa kanyang rekord sa pagpapatulog kay Komgrich Nantapech ng Thailand sa kanilang engkuwento sa Abril 29 sa Waterfront Hotel sa Cebu City, Cebu.

Nangako si Nietes na bukod sa paghablot sa IBF title, tatangkain din niyang sungkitin ang flyweight belts nina WBC flyweight champion Juan Hernandez ng Mexico, WBA titlist Kazuto Ioka ng Japan at WBO beltholder Zou Zhiming ng China sa unification bouts.

“Right now I feel very strong I have felt that my power has improved tremendously. I will knock him out 100% but I wouldn’t say I will knock him out early,” sabi ni Nietes sa mga mamamahayag kaugnay ng laban kay Nantapech.

Bagama’t may rekord si Nantapech na 15 sunod-sunod na panalo, 13 sa pamamagitan ng knockouts ay kapansin-pansing natalo lamang siya nang lumabas sa Thailand kina Albert Pagara (KO 2) at Froilan Saludar (UD 10) sa mga laban sa Pilipinas at Sho Ishida (UD 6) sa pagsagupa sa Japan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Whether my opponent’s record and reputation is good or not good, I give him the same amount of preparation. As far as Nantapech is concerned, I have studied his fights carefully,” diin ni Nietes na huling lumaban nang talunin sa puntos si dating WBC light flyweight champion Edgar Sosa ng Mexico sa kanyang unang laban bilang flyweight boxer sa Carson, California noong Setyembre. “My opponent also trains very hard for this fight and also wants to beat me so I’m not over-confident.” (Gilbert Espeña)