NADOMINA ng Nickan’sTapsi Hauz ang Breezy Brothers ,98-85, sa pagpapatuloy ng elimination round ng Brotherhood Basketball League “WCA Travel Cup” nitong weekend sa Trinity University of Asia ,Quezon City.

Humulagpos kaagad ang koponan ni Jose ‘Ajie’ Ramilo sa unang yugto pa lang bunga ng madulas na opensa nina Michael Flores at Budoy Ignacio upang iposte ang double -digit na kalamangan sa halftime.

Ang Tropang Tapsihan ng San Jose del Monte sa timon nina team manager Richard Patawaran at Jun Dayandante ay umalagwa pa sa ikatlong yugto at hindi na lumingon tungo sa pagtala ng unang panalo sa torneong inorganisa ni BBL Chairman Erick Kirong ng Macway Travel at itinataguyod ng World Cruisers Adventures Travel and Tours ni CEO Engr.Joven Diaz.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Nanguna sa Nickan’s si Budoy Ignacio na sumalansan ng kanyang career high 38 puntos.

“Big win for us. Lahat sa team nag-deliver. Sana tuluy-tuloy na ‘to,” pahayag ni Tapsi Hauz sa San Jose del Monte owner Ajie Ramilo.

Ang iba pang Tropang Nickhan’s ay sina Marc Coteza,Ernest Lopez,Eugene Quitay,Jun Dayandante,Edsel Basig,Kenneth Sangre,Gerald Mallari,Jess Mercado,Dave RunezJulian Maghirang,Pete Heraz,Jomar Gutierrez,Richard Patawaran,Michael Flores,Danvec Balgoma at Ajie Ramilo.

Sa ibang laro, binira ng Bearcats ang Earist,68-55, habang ang LTO-NCR ni Raul Dulatre ay nakaungos sa Invictus Farm,80-76 para sa ikalawang panalo sa torneo.