Jason Day

AUSTIN, Texas (AP) – Madamdamin ang naging pasya si dating world No.1 at defending champion Fil-Australian Jason Day na mag-withdraw sa Dell Technologies Match Play matapos mabalitaan na nakatakdang operahan ang kanyang Pinay na ina dulot ng sakit na lung cancer.

Nasa ikaanim na hole sa opening round ng torneo ang major champion nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) nang matanggap ang balita na mistulang dagok sa Masters champion.

Ang ina niyang si Dening, binigyan ng 12-buwan para mabuhay, ang itinuturing instrumento sa pagpasok ni Day sa sports ng golf. Matapos magwagi sa PGA championship, ibinida ni Day na napilitan ang kanyang ina na ibenta ang kanilang tahanan para maipasok siya sa golf academy.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

“It’s really hard to even comprehend being on the golf course right now because of what she’s gone through,” madamdaming pahayag ni Day.

“I’m glad I brought her over here. And it’s been really hard to play golf lately this year. It’s been very, very emotional, as you can tell. I’ve already gone through it once with my dad, and I know how it feels. And it’s hard enough to see another one go through it.”

Namatay ang ama ni Day na si Alvin dahil sa sakit na stomach cancer noong siya’y 12 taon pa lamang.

Nakaratay ang ina ni Day sa James Cancer Hospital sa Ohio State kung saan umaasa ang pamilya na magagamot ang kanyang karamdaman at madagdagan ang panahon ng kanyang buhay.

“I’m hoping for a speedy recovery for her, and we can get this behind us and she can live a long life,” sambit ni Day.