CHICAGO (AP) – Binuhay ang kaso ng isang 15-anyos na batang babae sa Chicago na ayon sa mga awtoridad ay ginahasa habang 40 katao ang nanonood sa Facebook Live.

Ang mga katanungan na dati nang pinagdebatehan: Ano ang obligasyon ng mga nanonood na nasasaksihan ang nangyayaring krimen? At bakit hindi sila nakialam?

Wala kahit isa sa mga nanood sa sexual assault noong Linggo na kinasasangkutan ng lima o anim na batang lalaki ang tumawag sa mga pulis. Kilala ng biktima ang isa sa mga suspek, at ayon sa mga imbestigador ay nakilala na nila ang iba pa.

Tinukoy ng mga awtoridad ang tinatawag na “Genovese syndrome” o “bystanders’ effect.” Ito ay isang phenomenon na inilarawan ng mga psychologist na kapag maraming tao ang nakakita ng pag-atake, mas kakaunti ang makikialam o tutulong sa biktima. Ipinahiwatig sa ilang pag-aaral na hindi kikilos ang madla dahil ang bawat isa ay ipinapalagay na mayroon nang tumulong o may nag-ulat na sa pangyayari.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'