Arestado ang isang babaeng may dadalawin umano sa Custodial Center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City matapos siyang makumpiskahan ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang suspek na si Lorena Flores y Tenorio, 41, tindera, ng No. 01, Purok 3, MLQ Street, Barangay Bagumbayan ng nasabing lungsod.

Sa ulat na nakarating sa Southern Police District, dakong 10:30 ng umaga nangyari ang insidente.

Pagdating na pagdating ng suspek sa piitan ay agad siyang isinailalim nina PO1 Romelyn Blanco at PO1 Phoebe Lou Daluping sa body frisking at tuluyang nadiskubre ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

(Bella Gamotea)