Muling pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na magpapalit na ng lumang perang papel bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Ayon sa BSP, hanggang sa Marso 31, 2017 na lamang maaaring magpapalit ng lumang perang papel sa mga bangko o sa alinmang sangay ng BSP.
Kaugnay nito, pinadalhan na ng mensahe ng National Telecommunications Commission ang publiko hinggil sa nasabing abiso ng BSP.
Matatandaan na una nang pinalawig ng BSP ang deadline sa pagpapalit ng mga bagong serye ng denominasyon sa mga bank note na una nang inilunsad noong 1985.
Pinayuhan naman ang mga overseas Filipino workers (OFW) na ipapalit ang kanilang mga lumang pera sa pamamagitan ng pagpapa-reserve sa OBS.gov.ph. (Beth Camia)