STO. TOMAS, Batangas - Patay ang isang 62-anyos na biyudo makaraang pagbabarilin habang sakay sa isang Mitsubishi Adventure sa Sto. Tomas, Batangas.

Ayon sa report ni SPO2 Jose Roy Malapascua, dakong 11:45 ng umaga nitong Martes at sakay si Sergio Manarin, taga-Barangay Santiago, Sto. Tomas, sa Mitsubishi Adventure (NQI-142) nang pagbabarilin sa Bgy. Poblacion IV.

Dead on arrival sa Saint Frances Cabrini Hospital ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan mula sa .45 caliber pistol.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang. (Lyka Manalo)

Probinsya

10-anyos na batang babae, natagpuang patay; basag-bungo, walang saplot pang ibaba