Arestado ang isa umanong miyembro ng Batang City Jail (BCJ) makaraang maaktuhan sa pagtangay ng motorsiklo ng isang barangay kagawad sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o Anti-Carnapping law si Hernan Gervacio, 36, ng 144 Quezon Street, Don Bosco, Tondo, matapos ireklamo ni Renato Chan, Jr., 41, ng 050 B. Mata Mahiyain, kanto ng Mapagmahal Street, Tondo.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Police Supt. Robert Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, bandang 4:25 ng hapon inaresto ang suspek, malapit sa tahanan ng biktima.

Una rito, papalabas umano sa bahay si Chan nang mapansing nawawala ang kanyang itim na Honda TMX (8311 QA), na nakaparada sa harap ng kanyang bahay.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Agad umano itong hinanap ni Chan at tuluyan niyang nakita niya si Gervacio na itinutulak ang kanyang motorsiklo papalayo.

Dito na nagsisisigaw at humingi ng saklolo si Chan na nakatawag-pansin kay Barangay EX-O Oscar Vizcarra na siyang tumulong sa pag-aresto kay Gervacio. (Mary Ann Santiago)