YEN copy

NAKALIMUTAN ni Yen Santos na noong storycon ng Northern Lights: A Journey To Love, natanong na rin siya tungkol sa tsismis sa kanila ni Direk Dondon Santos, ang director ng pelikula nila ni Piolo Pascual.

Itinanggi ni Yen ang tsismis at inulit niya ang kanyang denial sa tsismis sa nakaraang presscon ng pelikula.

“Sinabi na ni Direk Dondon na parang anak lang ang tingin niya sa akin. May asawa’t anak ‘yan at kilala ko at na-meet ko na ang asawa niya na headwriter ng It’s Showtime. Nakakahiya sa kanya. Pero ‘di ako apektado sa tsismis dahil hindi totoo. Hindi rin big deal sa akin,” pahayag ni Yen.

Trending

Tatlong 'akyat-bahay’, hindi inatrasan ng matapang na nanay sa India

Kung kay Piolo raw siya matsitsimis, ikatutuwa niya dahil aminado siyang crush niya ito lalo na nang magkasama sila ng two weeks sa New Zealand habang kinukunan ang pelikula.

“Ini-imagine ko nga siya bago ako matulog,” sabi ng dalaga na biglang binawi, nagbibiro lang daw siya.

Dahil patuloy na binibiro ng mga reporter, nakapag-dialogue si Yen ng “Basa na ang kili-kili ko sa mga tanong n’yo.”

Ikinuwento pa ni Yen na tinusok niya ng kanyang daliri ang abs ni Piolo na matigas daw. Halatang kinikilig siya habang itsinitsika na nagdikit ang mga katawan nila ni Piolo sa love scene nila, pero hindi raw ito nakapatong sa kanya.

“Nakatagilid lang kaming dalawa. Bawal ang nakapatong dahil PG13 kami. Ang feeling ko, ang suwerte ko dahil pinagpapantasyahan ko na siya hindi pa man kami nagkakatrabaho,” diretsahang sabi ni Yen na ikinatuwa ng mga reporter.

Sa March 29 ang opening day ng Northern Lights, sa March 27 ang special screening sa isang mall sa Quezon City. First movie ito ni Yen at talaga namang masuwerte siya dahil si Piolo agad ang kapareha at naka-love scene pa niya.

(Nitz Miralles)