mon 1 copy

Cojuangco at POC, hindi pa rin nagbabalik ng pondo sa COA.

KUNG noon ay walang kumakanti kay Jose ‘Peping’ Cojuangco, iba na ang sitwasyon ngayon ng Philippine Olympic Committee (POC) president.

Wala nang atrasan at buo na ang pasya ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez na sampahan ng kasong libel at harapin sa legal court ang dating Tarlac Congressman.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sa tulong ni Atty. Ramey Quijano, legal counsel ng bagong binuong arbitration committee ng PSC, nakatakdang isampa ang kasong libel kay Cojuangco sa Lunes sa Cebu City.

“We give him (Cojuangco) ample time to at least apologized in public, before we file the case in Cebu City next week. Kung hindi, magkita-kita kami doon for mediation,” pahayag ni Quijano.

Nag-ugat ang isyu nang paratangan ni Cojuangco si Fernandez na ‘game-fixer’ sa PSA Forum may isang linggo na ang nakalilipas.

Ang four-time MVP ay isa sa itinuturing na ‘PBA Legend’. Miyembro rin si Fernandez ng National Team na sumabak sa iba’t ibang international tournanament kabilang ang silver medal finish sa 1990 Beijing Asian Games.

“Kung tinawag niya akong team-fixer ok lang kasi maliban sa Purefoods at Beer Housen, napag-champion ko yung team na pinaglaruan ko sa PBA,” pabirong pahayag ni Fernandez.

Iginiit ni Fernandez na tila hindi nagugustuhan ni Cojuangco ang ginagawang aksiyon ng PSC hingil sa mga non-liquidated funding ng POC, gayundin ng mga national sports association (NSA) na dikit sa dating House Speaker.

“Since 2010 kasi, nadiktahan niya ang PSC, ngayon hindi na kaya, nagagalit siya. Imbes na sagutin ang mga isyu kung ano-anong pagbibintang ang ginagawa niya,” pahayag ni Fernandez.

“Tapos na ang panahon ng paghahari-harian niya. Huwag na siyang siga-siga, dahil hindi kami natatakot,” aniya.

Inulit ni Fernandez ang kahilingan ng PSC sa POC na ayusin ang liquidation na umabot sa P127 milyon at ibalik sa pamahalaan ang P27 milyon na ‘disallowed’ sa Commission on Audit (COA).

Gayundin, sinabi niya na dapat ipaliwanag ni Cojuangco sa mga atleta at coach kung saan napunta ang milyon-milyon na pondo na ibinigay ng Olympic Council of Asia (OCA) bilang tulong sa mga nabiktima ng bagyong ‘Yolanda’.

(Edwin G. Rollon)