SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Kaagad na nasawi ang isang 49-anyos na empleyadong nagmomotorsiklo makaraang magulungan ng truck ang ulo nito sa kahabaan ng Maharlika Highway, sa bahaging sakop ng Barangay Tabuating sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Chief Insp. Rannie Casilla, dakong 9:40 ng umaga nitong Marso 18 nang mag-overtake ang motorsiklong minamaneho ni Genelito Millar Candelaria, residente ng nasabing lugar, pero sumabit siya sa likuran ng truck at sumemplang.

Pumailalim si Candelaria at nagulungan ang ulo nito ng panghulihang gulong ng truck, na minamaneho ni Rexie Busalpa Alaurin, na boluntaryong sumuko sa Sta. Rosa Police. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Magkakaibang parte ng katawan ng tao, natagpuan sa Marilaque Highway