MAY itinatago pang armas si June mar Fajardo at kung gagamitin ito ng San Miguel Beer giant walang makatatapat sa kanya sa PBA sa susunod na 10 taon, ayon kay dating PBA star Ramon ‘El Presidente’ Fernandez.

“May secret weapon siya na hindi niya ginagamit. Magaling siya mag-hook shot, left and right, nung nasa Cebu siya," pahayag ni Fernandez, bantog sa diskarteng 'elegant shot.'

"Maybe hindi niya ginagamit ‘yun kasi maliliit ang kalaban niya. Pero sabi ko sa kanya noon, kailangan niya ‘yun sa PBA at sa international competition. Up to now, hindi pa niya (ginagamit) pero in due time.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Siguro kapag nahihirapan na siyang gumawa ng 15, 20, 25 points, baka gamitin na niya later on para may maitatago pa siya,” aniya.

Iginiit ni Fernandez, miyembro ng five-man Philippine Sports Commission (PSC) Board, na madodomina ng Beermen ang PBA, sa pangunguna ni Fajardo at solidong suporta nina Arwind Santos, Chris Ross, at Alex Cabagnot.

“They will continue to dominate as long as they stay healthy,” sambit ni Fernandez.

Kumpiyansa ang four-time MVP na malalagpasan ni Fajardo ang naiukit niyang record, gayundin ng kapwa legend na si Alvin Patrimonio dahil sa kahanga-hanga at kakaibang talento ng dating Cebuano college star.

“When I first saw him, he’s in second year in college, I thought to myself, 'This is the guy,'” sambit ni Fernandez.

Sa edad na 27-anyos, tangan na ni Fajardo ang tatlong MVP sa premyadong basketball league sa Asya.

“As I said in the very first year ni June Mar (sa PBA), I already said that in the next 10 years, barring any physical injury, he is going to dominate the PBA.

“I wouldn’t be surprised if he gets eight MVPs and breaks several records in the PBA,” aniya.