MAKAMIT ang ikalawang sunod na panalo ang tatangkain kapwa ng Alaska at Phoenix sa kanilang pagsalang sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Unang sasabak ang Aces ganap na 4:15 ng hapon kontra Blackwater kasunod ang Fuel Masters na haharapin naman ang Star Hotshots ganap na 7:00 ng gabi.

Sa pagkakataong ito, sasandigan ang Phoenix ng bagong import na si James McKay.

Ang defensive specialist na si McKay, pumalit sa dating import nilang si Eugene Phelps, na kinailangang umalis matapos pangunahan ang Phoenix sa kanilang unang panalo na isang double overtime win kontra Blackwater dahil sa nauna nitong commitment sa Puerto Rican league.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dating Best 12 Conference Defensive Player, galing ang 6-foot-9 na si McKay sa National Basketball League sa Australia kung saan pinangunahan nito ang Perth Wildcats sa kampeonato.

Makakatapat niya sa kampo ng Hotshots si dating FIBA America's Under 18 champion team Tony Mitchell. Ang 24-anyos na si Mitchell ay nakuha ng Detroit sa second round ng 2013 NBA Draft, ngunit hindi nabigyan ng tsansang makalaro sa NBA.

Ngunit, malawak ang kanyang karanasan sa paglalaro sa mga liga sa Puerto Rico, Venezuela, China at Israel. Mauuna rito, muli namang magpapakitang-gilas si import Corey Jefferson upang pamunuan ang Aces.

Magsisikap namang bumawi ang Elite sa natamong kabiguan sa kamay ng Phoenix sa pangunguna ni import Greg Smith.

(Marivic Awitan)