MOCHA copy copy

INIHAYAG ng Philippine Army na umatras na ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) member at social media consultant/blogger na si Margauz Justiano “Mocha” Uson, bilang isa sa kanilang mga resource speaker sa 10th Senior Leaders Conference sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong March 20-21.Ayon kay Army Spokesman Colonel Benjamin Hao, natanggap nila ang liham ni Uson nitong nakaraang Lunes ng gabi na nagsasabing hindi na ito makadadalo sa conference.

Inasahang magsasalita si Uson kahapon ngunit nagdesisyon na huwag na lamang tumuloy.

Sinabi rin ni Hao na nag-post ng blog si Uson na nagpapaliwanag sa kanyang followers kung bakit siya nagdesisyon na hindi dumalo sa Army conference.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“The Philippine Army fully respects her decision. Her schedule 15-minute talk was instead used for open discussions with the two other speakers on the same topic of social media,” ani Hao.

Ibinalita kamakailan ni Hao na inimbitahan ng Philippine Army si Uson sa Senior Leaders Conference para ibahagi ang kanyang ideya sa paksa na, “The Challenges of a Social Media Personality.”

Sinabi rin ni Hao na may dalawa pang personalidad na nagsalita sa paksa hinggil sa social media, sina Pompee La Vina at Abe Olandres.

“The objective of our annual Senior Leaders’ Conference is to promote awareness on security challenges through discussions with resource persons on various disciplines that have impact on national security. The conference discussed a total of 10 different topics,” saad ni Hao.

“The Philippine Army asked Ms. Uson to discuss relevant information and her experiences as a blogger who has 4.8 million likers on her account,” dagdag ni Hao.

Ginanap ang komperensiya na may temang “Embracing Diversity, Building a Strong Army” sa Ricarte Hall, Philippine Army Officers’ Clubhouse sa Fort Bonifacio.

Ang imbitasyon na ipinadala sa 34-anyos na si Uson ay pinirmahan ni acting Army chief Lt. Gen. Glorioso V. Miranda, at ito sana ang highlight ng Seniors Leaders Conference ng 120th Philippine Army Anniversary.

PALIWANAG NI MOCHA

Sa pahayag na inilabas sa kanyang blog, ipinaliwanag ni Uson na nang i-post niya ang kopya ng imbitasyon sa kanyang Facebook blog, inulan siya at ang Philippine Army ng mga negatibong reaksiyon at bashing mula sa kanyang mga kritiko, na naging dahilan upang hindi na siya tumuloy sa pagsasalita sa event.

“It was a surprise for me to be invited as a speaker of the Philippine Army. I didn’t expect that, and for that I am truly honored. However by posting about that I received negative reactions from some netizens,” ani Uson.

“The criticisms and the bashing the Philippine Army received is too exaggerated. Our soldiers who are in remote areas of our country, sacrificing their lives and blood for us. Our soldiers do not deserve this bashing. Please have mercy on those who give their life in the name of peace,” sabi ni Uson.

Dinagdag pa ni Uson na inimbitahan lamang siya ng Philippine Army upang may matutuhan mula sa kanya.

“I’m not an expert but it is an honor to share in the best of my abilities on how soldiers can be more closer to the people via social media,” saad ni Uson.

“The Senior Leaders Conference will be held for two days and I’m just one of the resource speakers invited. It is not right and the Philippine Army doesn’t deserve to be trampled upon,” dagdag niya.

Aniya, ito ang dahilan kung bakit siya nagdesisyon na hindi na dumalo sa conference. Sinabi rin niya na sumulat siya kay Lt. Gen Miranda tungkol sa kanyang desisyon at humingi ng paumanhin.

“I hope you understand my decision. For the sake of the Philippine Army - to save our soldiers from being bash and form divisiveness-- magpaparaya na lang po muna ako (I forbear),” aniya.

Nangako si Uson na bagamat hindi siya nakadalo, gagawin niya ang lahat para makatulong sa mga sundalo lalung-lalo na at hindi madali ang kanilang trabaho.

Inilahad din niya na sa tulong ng kanyang blog, ibabahagi niya ang kanyang pananaw sa social media tungkol sa paksa na “Challenges of a Social Media Personality” para sa social media engagement ng Philippine Army. 

Nauna nang pinatulan ni Uson ang kanyang mga kritiko partikular ang mga nag-aakusa na nagkakalat siya ng fake news sa pagyayabang niya tungkol sa imbitasyon na ipinadala sa kanya ng Philippine Army.

Sa Facebook blog na ipinost niya noong nakaraang Miyerkules, inilabas niya ang imbitasyon na aniya ay nagpapatunay ng kanyang kredibilidad sa social media.

“Ayaw ko sana ilabas ito pero gusto ko lang isampal sa inyo na for once mapahiya kayo diyan sa Fake News Issue,” ani Uson. 

“Here is an invitation from the Philippine Army on their 120th Philippine Army Anniversary to be attended by the Commanders and the top Generals in the entire Philippines. I will be the guest speaker. Sa tingin ninyo ang tulad ko bibigyan ng opportunity mag salita sa ganyan kung Fake News Blogger ako? So next time you call me Fake News make sure you have something to back it up or else ipapakain ko sa inyo invitation,” aniya pa. (FRANCIS T. WAKEFIELD)