Marian Kyoto copy

LAGING gumagawa ng paraan si Marian Rivera upang maging productive, kahit nagbabakasyon.

Na-extend ang bakasyon nilang mag-anak, Dingdong Dantes at Baby Letizia, ng ilang araw sa Japan at sa kabila ng pamamasyal sa iba’t ibang lugar sa Osaka, nakapagsingit pa rin ng panahon si Marian para kumuha ng short training para sa flower arrangement.

Magagamit kasi niya ito sa bago niyang negosyong Flora Vida by Marian, na ang mga bulaklak ay personal niyang ia-arrange.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa Kyoto, Japan nag-aral si Marian under Nicolai Bergmann, one of the top floral artists ng Japan. Hindi naman nagkait si Marian na i-post sa kanyang Instagram story ang kauna-unahang flower arrangement na ginawa niya.

Ngayong nakabalik na sila ng bansa, magsisimula na si Marian sa kanyang bagong business dahil may mga umoorder na lalo na ang kanyang mga kaibigan. Sinuportahan siya ni Dingdong sa endeavor niyang ito dahil isa ito sa nasa bucket list niya. Siya pa nga ang kumuha ng permit mula sa Department of Trade & Industry at isinorpresa niya iyon sa asawa last Christmas para magsimula na siya.

Post pa ni Marian sa kanyang IG na ni-like ng ninang niyang si Kris Aquino: “Happy to learn something new! Thank you Lord for this productive day and for this opportunity to travel.”

Next month, magsisimula na ring mag-taping ng kanyang bagong teleserye sa GMA 7 si Marian at post nga niya: “Soon back to work for my primetime series.” (NORA CALDERON)