Pinas Sarap host Kara David copy copy

SIMULA ngayong Huwebes (Marso 23), mapapanuod na sa GMA News TV ang pinakabagong travel documentary at cooking program na hindi lang magtuturo ng pagluluto sa mga manonood kundi pati na rin tungkol sa kasaysayan at kultura sa likod ng mga putaheng Pilipino — ang Pinas Sarap.

Isasama ng award-winning documentarist na si Kara David ang mga manonood sa paglalakbay upang mas makilala ang mga pagkaing Pinoy, kasama na ang kasaysayan sa likod ng mga putaheng bumusog sa maraming henerasyon at ang pagbabagong-anyo at lasa nito sa paglipas ng panahon.

Hindi mawawala ang pagiging adventurous ni Kara sa Pinas Sarap, dahil bukod sa pagluluto, kasama rin siya sa pagkalap ng mga kakailanganing sangkap. Mapapanood si Kara habang kumukuha ng gatas ng kalabaw, manghuli ng octopus, mangisda sa dagat, at iba pa.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Sa unang episode ngayong Huwebes, maglalakbay si Kara mula Maynila papuntang Bicol para tuklasin ang pinagmulan ng putaheng susubok sa tapang ng panlasa ng mga manonood — ang Bicol Express. At para mas ‘Pinas Sarap’ ang Bicol Express, sasama si Kara sa panghuhuli ng balaw o alamang na hilaw.

Kilalang mga ‘oragon’ o matatapang ang mga Bicolano, kaya naman ang bagsik ng anghang ng sili, inihahalo nila sa kanilang mga iniluluto. Pero, alam ba na ninyo na ang Bicol Express na pagkain ay nagmula sa tawag sa tren na dating bumibiyahe mula Maynila papuntang Bicol?

Tikman ang linamnam ng mga lutuing Pilipino sa Pinas Sarap tuwing Huwebes, 10:15 PM, sa GMA News TV Channel 11.