Natuklasan ang marami pang problema sa rail projects ng gobyerno, kabilang ang common station ng Metro Rail Transit 3-Light Rail Transit 1-LRT7.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation sa isyu ng MRT-LRT common station, nagpahayag ng pagkabahala si Speaker Pantaleon Alvarez na dahil sa pagkabalam sa panig ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng terminal sa EDSA, Quezon City, ay hindi ito maitayo sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte at magbabayad pa ang gobyerno ng mga penalty.

“Ibig sabihin, meron kayong obligation na tapusin ‘yung terminal or the government will be liable to pay for damages after the deadline on 2019, right? ‘Pag hindi naitayo ‘yang common terminal na ‘yan, magbabayad ang gobyerno ng penalty,” sita ni Alvarez.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inaasahang magsisimula ang konstruksiyon ng common terminal sa Disyembre 2017, at dapat itong makumpleto sa Abril 2019, alinsunod sa Memorandum of Agreement na nilagdaan ng DoTr, Department of Public Works and Highways (DPWH), LRTA, SM Prime Holdings Inc. (SMPHI), Light Rail Manila Corp., San Miguel Corp. (SMC) at North Triangle Depot Commercial Corp. (NTDCC). (Bert De Guzman)