STO. DOMINGO, Nueva Ecija - Dahil sa sobrang kalasingan, isang 50-anyos na vendor ang aksidenteng nalunod sa Talavera River sa Barangay Matias, Talavera, Nueva Ecija makaraang dumayo ng inuman sa bayan ng Sto. Domingo nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ng Sto. Domingo Police ang biktimang si Romeo Duldulao y Antonio, ng Zone 1, Bgy. Matias, na nanggaling sa bahay ng kanyang pinsan sa Bgy. San Francisco, Sto. Domingo at sa pag-uwi dakong 3:00 ng hapon ay tumawid sa Talavera River.
Pinaniniwalaang dahil sa kalasingan ay nawalan ng balanse at nalunod si Duldulao. (Light A. Nolasco)