PIOLO copy copy

MABUTI pala’t muling ipina-presscon ng Regal Entertainment ang pelikulang Northern Lights: A Journey to Love para maklaro ni Piolo Pascual ang viral video nila ng kanyang anak na si Iñigo Pascual na nag-kiss sa lips niya sabay yakap.

Nakita na namin ito nu’ng unang araw na in-upload at hindi naman namin binigyan ng malisya kaya hindi namin sinulat.

Pero iba ang naging dating nito sa malisyosong bashers, kaya ginawa na namang big deal at binigyan ng masamang interprestasyon -- tulad ng naunang kumalat na litrato ng mag-ama na magkayakap habang natutulog.

Human-Interest

Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia

Kusang nagsalita si Piolo para maipaliwanag ang tungkol sa viral video nila ng anak na pinagpipistahan ng bashers ngayon.

“Ako na magsasabi, ano ba ‘yung lumabas sa news na ang daming nagba-bash du’n sa video namin ng anak ko? Ako na nag-bring-up, di ba? Pero iniisip ko how am I gonna address that issue, ano ba’ng sasabihin ko, paano ko ba sasabihin ‘yan? Kasi puwede kang mapikon, puwede kang maging defensive.

“Pero you, know what, at the end of the day, blessing ‘yung ganu’ng experience na habang nabubuhay ka pa, you get to experience that with your family, with your son for that matter.

“Wala akong masasabi sa mga bashers – it’s a blessing na ginagawa sa akin ng anak ko ‘yun kasi ganu’n ako pinalaki ng mga magulang ko.

“Natural ‘yun, eh. Ako, gustung-gusto ko talagang nilalambing ang mga bata kasi ‘pag lumaki na ‘yan, hindi mo na puwedeng lambingin. Pero para sa akin, para gawin ng anak ko ‘yun sa akin, gagawin ko rin sa nanay ko ‘yun, gagawin ko rin sa tatay ko ‘yun, kasi ang sarap na pasiyahin ‘yung pakiramdam ng magulang mo, di ba?” sabi ng proud daddy ni Iñigo.

May ilang showbiz observers na nanggagalaiti na okay lang daw kung bata pa si Iñigo, pero binata na raw ito, kaya parang awkward ang dating na sa lips pa sila nagki-kiss.

Pero tama ang side ni Piolo na bilang ama ay bumilib siya sa anak na hindi nahihiyang humalik sa kanya sa lips kahit may ibang tao sa paligid nila. Sadyang malambing daw talaga ang binata sa kanya. Isa pa, hindi nito nakalakihang kasama parati ang ama kaya halatang bumabawi, at iyon din naman ang ginagawa ng ama.

Anyway, sayang at hindi natanong sa presscon ang tungkol naman kay Shaina Magdayao na nakunan ng picture na patalikod kung makipag-holding hands ala-KathNiel nang maki-picture taking sa kanila ang staff ng isang Italian resto sa Marikina City. (REGGEE BONOAN)