Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga Pilipino na itigil ang “ecocide” at pagpahingahin ang mundo sa pakikilahok sa Earth Hour sa Sabado, Marso 25.

Ipinaalala ni Tagle na bilang alagad ng Panginoon ay tungkulin ng lahat ang wastong paggamit at pangangalaga sa kalikasan na isa sa mga biyaya ng Diyos.

Mas makabubuti rin, aniya, na sabayan ito ng pagdarasal ng rosaryo.

“Bukod po sa pagpapatay ng ilaw, tayo po ay inaanyayahan na magdasal ng rosaryo kasama po ang Radio Veritas. Kaya po sa loob ng isang oras na ‘yon, makatipid, pagpahingahin ang mundo sa pamamagitan ng pagpatay ng lahat ng kuryente at manalangin, umasa tayo sa Panginoon,” panawagan ni Tagle.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, nanawagan naman si Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma sa lahat ng mananampalataya na sama-samang pigilan ang “ecocide” o pagpatay sa kalikasan.

“Earth Hour is a very good way to remember that we are all stewards of the environment and that from the message of the Holy Father Pope Francis about Laudato Si, we are all caretakers and we are (here) to care for the Earth. The nature, is God’s creation, it is a gift from God it is given to us freely for our use in order to make our life also sustainable and productive. We are all ask to be stewards of the gift of God, it is part of our responsibility to make sure that the environment is taken care of, and sustainable for future generation,” ayon kay Ledesma.

Isang oras magtatagal ang Earth Hour na sisimulan dakong 8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi. (Mary Ann Santiago)