Tumataginting na P7.5 milyong halaga ng alahas at cash ang natangay sa isang doktor. At ang suspek, ang pinagkakatiwalaan niyang driver na kamakailan lamang ay inaresto dahil sa ilegal na droga, iniulat ng pulis kahapon.

Nitong nakaraang linggo, nadiskubre ni Tolomeo Ong, 81, na nawawala ang kanyang mga mamahaling alahas na nagkakahalaga ng P7,425,000 pati na ang P100,000 cash nang buksan niya ang kanyang vault sa loob ng master’s bedroom ng kanyang bahay sa Barangay Immaculate Concepcion, New Manila.

Sinabi niya na ang suspek ay si Rico Ferrer, 31, ang kanyang stay-in driver.

Kararating lang ni Ong sa isang taong pananatili sa United States nang malaman niyang wala sa kanyang bahay si Ferrer na siya ring tumatayong caretaker.

National

De Lima, nagsalita sa umano’y mga alegasyong ‘adik’ si PBBM

Tinanong umano niya ang mga kamag-anak ni Ferrer kung asan ito at nalaman na kasalukuyan itong nakakulong sa Kamuning Police Station dahil sa kaso ng ilegal na droga.

Iniimbestigahan na ng Quezon City police ang nasabing insidente. (Vanne Elaine P. Terrazola)