Sinagot ni Senador Leila de Lima ang paratang ni Solicitor General Jose Calida na hindi niya personal na pinanumpaan sa harap ng notary officer ang inihain niyang petisyon sa Korte Suprema.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni De Lima na walang factual basis ang paratang ni Calida. Iginiit niya na nagkita sila ni Atty. Maria Cecille Tresvelles-Cabalo sa Camp Crame noong Pebrero 24, 2017, ang petsa na nakasaad sa pinanumpaan niyang certification.

Tinawag niyang desperado ang OSG dahil sa halip na tumutok sa sustansya at merito ng kanyang petisyon ay mas pinili nitong atakehin ang isyu ng teknikalidad. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

New collab? Salome Salvi, ngiting-wagas sa 2 kasamang lalaki sa pic