Posibleng italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para mamuno sa Constitutional Commission (Con-Com) na magbabalangkas sa federal na porma ng gobyerno ng Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya maaaring alukin si Arroyo na maging miyembro ng gabinete dahil malabong papayag ito.

“She cannot be working under a President when she was already a president. But representing the people of the district of her own province would be somehow acceptable to even everybody,” ani Duterte.

Posibleng ialok niya kay Arroyo ang maging pinuno ng 25-miyembrong Con-Com. “Maybe. Maybe. Maybe, baka ayaw rin niya eh. But maybe,” anang Pangulo. (Beth Camia)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'