Kinumpirma kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto sa isang drug lord at sa 13 iba pa na nakumpiskahan ng mahigit P1 milyon sa Ozamis City, Misamis Occidental, habang nasa P5 milyon shabu naman ang nasabat sa magkapatid na drug supplier sa Camarines Sur.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ronald Dela Rosa, ang naarestong si Joden Francisco Duhaylungsod ay itinuturing na big-time drug supplier sa Ozamis City.

Sa report na tinanggap ng Camp Crame mula kay Chief Insp. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police, nakumpiska mula kay Duhaylungsod ang nasa 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon, at naaresto ang 13 kasamahan nito.

Samantala, mismong si Milaor, Camarines Sur Mayor Anthony Reyes ang positibong nagturo sa magkapatid na Tristan at Makneil Abinez, na aniya’y supplier ng droga sa mga bayan ng Pasacao, Minalabac at Pamplona.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Aabot sa mahigit P5 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa magkapatid. (Fer Taboy)