Joy copy

MULING ipinamalas ng 17-anyos na Pinay ang galing ng mga Pilipino sa kantahan.

Iniuwi ni Ezra Joy Ng ang ikatlong puwesto sa The Voice Israel sa kanyang version ng California Dreamin ka-duet ang kanyang mentor at isa sa mga judge ng palabas na si Miri Mesika.

Lubos ang pasasalamat ni Ng sa mga walang sawang sumuporta sa kanya. “Never ever underestimate the power of your dreams! With the determination, perseverance to succeed and strong faith in God. Someday, at the right time, your dreams in life will come true! Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!” nakasaad sa post niya sa kanyang Facebook page.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Nagtungo ang ama ni Ezra mula sa Pangasinan para masaksihan ang pagtatanghal ng kanyang anak na ilang taon na niyang hindi nakikita.

Samantala, ikinatuwa rin ng Philippine Ambassador to Israel na si Israel Neal Imperial ang pagkapanalo ng Pinay.

Aniya, ipinakita ni Ezra ang kanyang kahusayan sa pag-awit sa kabila ng kanyang murang edad at pinagkaisa ang Filipino community sa Israel.

Bumuhos din ang suporta na natanggap ni Ezra sa kanyang Facebook page. “It’s not how well you did, but how you gave your best! For me and my whole family, you are The Voice winner 2017. Keep it up Joy and never give up on your dreams,” komento ng isang netizen.

Dagdag ng isa pa, “we proud of you Joy! Hindi ka man nagwagi panalo ka pa rin sa puso ng mga pinoy dito sa Israel at ang lahat ng sumuporta sayo. God bless you and your family!!!” (Airamae Guerrero)