Labing-apat na panibagong kaso laban sa mga utak ng rent-sangla scam ang inihain ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa Department of Justice (DoJ).

Ito ay kasunod ng sunud-sunod na reklamo at sumbong ng kanilang mga biktima na nagmula sa Bulacan, Makati City, Mandaluyong City, Quezon City, Cavite at Valenzuela City.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Rafaela Anunciacion, Tychichus Nambio, Marilou Cruz, Bienvenido Cruz, Roberto Cruz, Jeffrey Reyes, Edgardo Ramos, Ravenal Quizon, Eleanor Constantino Rosales, at Lorena Adriano.

Ayon sa mga nagreklamo, pinangakuan sila ng mga suspek ng buwanang kita, P25,000-P45,000, sa pamamagitan ng pagpapa-arkila ng kanilang sasakyan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ngunit, kanilang nadiskubre na ibinenta na pala ang kani-kanilang sasakyan sa halagang P200,000-P400,000.

(Beth Camia)