KALIBO, Aklan - Pormal nang nagpalabas ng pastoral letter ang Simbahang Katoliko, partikular ang Diocese ng Kalibo, laban sa inaasahang pagsisimula ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa Aklan.
Sa pastoral letter na binasa sa lahat ng Simbahang Katoliko nitong Linggo, sinabi ni Bishop Jose Corazon Tala-oc na nagkakaisa ang mga Katoliko sa pagpipigil sa operasyon ng STL.
Ayon sa kanya, dapat na itigil ng gobyerno ang culture of gambling na nakasisira sa moralidad ng taumbayan.
Nagpalabas kamakailan ng abiso ang Philippine Charity Sweepstakes Office na nagpapahintulot na sa pagsisimula ng operasyon ng STL sa Aklan simula sa Marso 25. (Jun N. Aguirre)