Hindi nag-aapurang maging presidente si Vice President Leni Robredo gaya ng iginigiit ni Pangulong Duterte.

“The President is entitled to say what is in his mind, but we hope they would look into where are these coming from.

There is no such plan,” sinabi ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo, sa mga mamamahayag sa Quezon City.

“If there is something she is rushing, it is to finish what we have started in our anti-poverty program.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ipinagkibit-balikat din ni Hernandez ang mga banta ng impeachment laban kay Robredo, sinabing nakatutok lang sa trabaho ang huli.

Naniniwala naman si Senator Bam Aquino na uusad lang ang impeachment complaint laban kay Robredo kung paiiralin ang pananakot sa mga kongresista, gaya ng ginawa nang ipasa ang death penalty bill sa Kamara.

“But I have faith that my fellow legislators can still stand up to pressure that may be put on them and act fairly on the matter. Clearly, this reaction from leaders of this administration is coming from the obsessive need to curb dissent or disagreement,” sabi ni Aquino.

Pinayuhan din ng mga Liberal Party (LP) senator si Senate President Aquilino Pimentel III na tumutok na lang sa trabaho makaraang sabihin ni Pimentel kamakailan na mas mapapabilis ang impeachment laban sa Bise Presidente kumpara kay Pangulong Duterte dahil may sapat na bilang ang administrasyon sa Kongreso.

Aminado naman ang kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na totong mas madaling mapatatalsik sa puwesto si Robredo dahil maraming nagsusulong sa impeachment ng kanyang kliyente.

Gayunman, umaasa siyang sakali mang tuluyang sampahan ng impeachment case si Robredo ay dapat na may balidong batayan ito at walang kaugnayan sa pulitika. (Raymund Antonio, Leonel Abasola at Mary Ann Santiago)