NAGKASUNDO ang mga opisyal na pangturismo ng Pilipinas at China na paigtingin ang kanilang mga pagsisikap para magdaos ng travel fair, familiarization tour at iba pang programa ngayong taon upang pasiglahin pa ang turismo sa pagitan ng dalawang bansa.

Nangyari ito matapos magsagawa ng mga pagpupulong ang Department of Tourism ng Pilipinas at National Tourism Organization ng China sa Maynila ngayong linggo.

Bahagi ang mga pagpupulong na ito ng Association of Southeast Asian Nations-China Year of Tourism Cooperation.

Inihayag ni Tourism Secretary Wanda Teo na bukod sa mga travel fair at familiarization tour, magkakaroon din ng mga marketing at communications campaign, mga workshop na may kaugnayan sa turismo, at mga capacity building session para sa mga travel professional, mga pagbisita ng mga opisyal na pangturismo at mga joint travel fair na isasagawa sa Pilipinas at China.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nangako si Chinese President Xi Jinping na maghahatid ang China ng aabot sa dalawang milyong bisita sa Pilipinas ngayong taon.

Ipinakikita sa datos mula sa Department of Tourism na pangatlo ang China sa mga pangunahing tumatangkilik sa turismo sa Pilipinas batay sa datos nitong Enero 2017, makaraang makapagtala ng 85,948 bisita.

Sinabi ng Department of Tourism na tinatayang magkakaroon ng 30 milyong mutual visit ang dalawang bansa pagsapit ng 2020 dahil sa karaniwang annual growth na 15.7 porsiyento para sa two-way-visitor-traffic sa pagitan ng China at ASEAN sa nakalipas na limang taon.

Nakatulong ang implementasyon ng ASEAN-China Air Transport Agreement para maisagawa ito.

Dahil sa pagpapatibay ng kasunduan, konektado na ang 37 lungsod na matatagpuan sa mga bansang bahagi ng ASEAN sa 52 siyudad ng China, sa tulong ng mahigit 4,900 direct flight kada linggo. (PNA)