IBAAN, Batangas - May mga saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang bangkay ng isang fish vendor na natagpuan sa Ibaan, Batangas, nitong Linggo.
Kinilala ang biktimang si Leonardo Magnaye, 58, na taga-Barangay Talaibon, Ibaan.
Ayon sa report ni SPO1 Reynaldo Dusal, dakong 11:52 ng umaga nang matagpuan ng mga kaanak ang bangkay ni Magnaye sa tubuhan.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang suspek at motibo sa krimen. (Lyka Manalo)