LOS ANGELES (AP) – Balik sa pagiging numero uno si Angelique Kerber sa WTA ranking at palitan si American star Serena Williams.
Umusad sa No.1 spot sa world ranking si Kerber nitong Lunes (Martes sa Manila) – anim na buwan ang nakalipas – mula nang hawakan ang pangunguna matapos makamit ang kampeonato sa US Open.
Naputol ang 186 sunod na linggo ang pagrereyna ni Williams.
Muling nakuha ni Williams ang pagiging No. 1 nitong Enero nang magwagi sa Australian Open para sa ika-23 Grand Slam title, ngunit na-sideline ang American champion bunsod ng injury sa kaliwang tuhod. Hindi siya nakalaro sa Indian Wells at planong magpahinga rin sa Miami Open na magsisimula sa Martes (Miyerkoles sa Manila).
Bunsod nito, sigurado na ng 29-anyos na si Kerber na mananatili siya sa No. 1 para sa susunod na apat na linggo para sa kabuuang 22 weeks. Mananatili siyang kampeon sa loob ng 22 linggo. Malalagpasan niya ang record 13 sa all-time WTA list na hawak nina Maria Sharapova, Tracy Austin at Kim Clijsters.
Si Steffi Graf ang may hawak ng record na 377 weeks.