one copy

AKSIYONG umaatikabo ang mapapanood ng mixed martial arts fanatics sa ilalatag na fight card -- tampok ang pagdepensa ni Pinoy star Eduard ‘The Landslide” Folayang sa ONE Lightweight World title kontra Malaysian Ev “ET” Ting -- sa ONE:

KINGS OF DESTINY sa Abril 21 sa 20,000 capacity MOA Arena sa Pasay City.

Makakabili na ng tiket sa on-line sa www.onefc.com

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“In addition to the highly-anticipated matchup between local hero Eduard Folayang and top lightweight Ev Ting, ONE Championship has confirmed a handful of compelling bouts between Asia’s top superstars set to take place inside the ONE cage on fight night. Fans will not want to miss all the action that goes down in Manila, as we are already gearing up for an absolutely electrifying evening of world-class mixed martial arts,” pahayag ni Victor Cui, Chief Executive Officer ng ONE.

Itinuturing na pinakamatikas at pinakapopular na local MMA fighter mula sa Team Lakay ng Baguio City, kumpiyansa ang 33-anyos na si Folayang na mapanatili ang kampeonato sa harap ng kababayan.

Tangan niya ang 17-5 pro MMA record.

Ginulat ni Folayang ang mundo ng MMA nang angkinin ang titulo sa impresibong panalo kontra sa maalamat na si Shinya Aoki ng Japan. Beterano rin ang challenger ni Folayang na si EV Ting kung kaya’t asahan ang walang pugnat na hatawan at balibagan sa pagtatagpo ng dalawa sa octagon.

Hawak ni Ting, nagsanay sa Auckland, New Zealand, ang 13-3 marka, tampok ang apat na panalo via submission at apat na knockout.

Magbibigay din ng magandang laban si Kevin “The Silencer” Belingon (14-5), kasangga ni Folayang sa Team Lakay, kontra Toni Tauro. Naitala ni Belingon ang limang knockout at itinuturing na isa sa deadly striker sa kanyang division.

Hawak naman ng 32-anyos na si Tauru mula sa Utti, Finland, ang 11-4 karta. Galing siya sa impresibong first round submission win laban sa Pinoy na si Geje “Gravity” Eustaquio.

Nasa fight card din ang laban ng 18-anyos na si Christian “The Warrior” Lee, nakababatang kapatid ni reigning ONE Women’s Atomweight World Champion “Unstoppable” Angela Lee. Mapapalaban siya kayMalaysian featherweight prospect Keanu Subba.

Nakalinya rin ang isa pang Team Lakay na si Danny Kingad, tangan ang impresibong 4-0 karta, kontra Malaysian Aiman.