Sumakabilang-buhay na si dating Senador Leticia Ramos-Shahani sa edad na 87 matapos ang halos isang buwang pagkaratay sa ospital.

Kinumpirma ni Lila Shahani, secretary general ng Philippine National Commission to UNESCO, ang pagpanaw ng kanyang ina kahapon, 2:40 ng madaling araw.

“Bereft and full of grief, but still strangely peaceful in the knowledge that she is now free from all suffering,” saad sa pahayag ni Lila.

Ang dating Senate President Pro Tempore ay kapatid ni dating Pangulong Fidel Ramos. Nahalal siya sa Senado noong 1987 at naging chairperson ng Committee on Foreign Affairs, Education Culture and Arts, at Agriculture. Nagsilbi rin siyang ambassador to Australia mula 1981 hanggang 1986 at Secretary-General ng World Conference on the United Nations Decade of Women noong 1985.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nitong Agosto 2016, itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang miyembro ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan.

Kilala si Manang Letty, bilang tagapagtaguyod ng malayang foreign policy at ng pambansang interes. Naging lider siya ng grupong PINAS o Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya, na lumaban sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea. Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ni Shahani at nagbigay-pugay sa kanya ang mga senador.

“Ngayong araw, nawalan tayo ng isang matatag na tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan, isang pursigidong maka-kalikasan at isang bihasangdiplomat. Ipinakita ni Manang Letty kung paano dapat ang serbisyo publiko: tapat, buhay na buhay, at natatangi,” pahayag ni Senator Grace Poe.

“I remember her as a determined and hardworking lawmaker, who tirelessly championed the passage of key legislation that benefit and positively influence the lives of our people up to this day,” sabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon. (Leonel M. Abasola at Beth Camia)