NAY PYI TAW, Myanmar – Mataas ang pag-asa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kinabukasan ng relasyon ng Pilipinas at United States.
“I think we’re headed to something…an understanding platform for both countries,” sabi ni Pangulong Duterte sa mamamahayag sa panayam matapos siyang dumating dito para sa opisyal na pagbisita.
Binanggit ng Pangulo na malaking dahilan ang pagiging “realist” ni US President Donald Trump.
“He does not engage in theories,” sabi ng Pangulo sa paglalarawan niya sa kanyang Amerikanong katapat. “Even in the matter of human rights, he takes into account everything.”
Ayon kay Duterte, magkakaiba ang pananaw ng US at maging ng mga kasaping bansa ng European Union sa mga bansa sa Asia.
“At face value what they are saying is: ‘Do you want everybody to follow,’” paliwanag ni Duterte. “But there’s a time to impose their cultures and beliefs…in the matter of gender, it’s always the citizen globally. It does not say anything about being a citizen of this country and that could be fatal because then you would impose rules because you would be a citizen of the global countries, you’re going to be a dictator.”
Umasim ang relasyon ng Pilipinas at US matapos batikusin ng Washington ang madugong kampanya kontra ilegal na droga ni Pangulong Duterte nitong nakaraang taon.
Gayunman, sa pag-upo ni Trump ay inaasahang magbabalik sa dati ang magandang relasyon ng mahigit 50 taon nang magkaalyadong bansa. (Roy C. Mabasa)