MARIRINIG sa bagong album ni Drake ang tungkol sa namagitan sa kanila ni Jennifer Lopez.
Lumabas ang album ng rapper na More Life, noong Sabado, at sa Free Smoke na opening track nito, inamin ng 30-anyos na Toronto rapper na sa isang bar, “I drunk text J.Lo, old number so it bounce back.”
Nagkaroon ng madaliang relasyon ang dalawa, nagsimula noong nakaraang taon at natapos din nitong unang bahagi ng Pebrero dahil sa kanilang busy schedule, saad ng source dati sa ET. Gayunman, isinama pa rin ni Drake ang sample ng patok na kanta ng 47-anyos noong 1999 na If You Had My Love, sa kanta niyang Teenage Fever.
Ang ipinagtataka lang mga tao ay kung bakit hindi niya isinama ang boses ni J.Lo.
Habang sumasayaw at nagre-relax sa prom-themed party, napansin ng mga dumalo ang boses ni Jennifer Lopez sa hindi pa inalalabas na collaboration nila noon ni Drake.
Ngunit sa album version sa track ng Get It Together, ang naging co-singer ni Drake ay si Jorja Smith.
Dati nang ginawa ni Drake ang hindi pagsama ng record sa final cut. Sa panayam sa kanya kamakailan, nagkomento si Drake tungkol sa mga haka-haka sa pinag-awayan nila ni Kanye West. Ipinaliwanag din niya ang hindi pagkakasama sa final cut ng Life of Pablo rapper at ni Jay Z sa kanyang pinakahuling album na Views – na ayon sa mga bali-balita ay lubhang ikinadismaya ni West.
“I was dealing directly with ‘Ye. That’s the version that he sent me,” ani Drake, na ang tinutukoy ay ang version ng kanta kasama sina Jay Z at Kanye, na tinawag na The Throne.
“I was excited, obviously anyone would be excited to see them link back up.”
“Next thing I knew it just became a bit of an issue,” aniya. “I don’t waste too much time... I’ll just go through with the song, and put forward my own version.”
“Both versions exist,” saad ni Drake. “When Kanye comes out to do it at the shows, it goes crazy ... He was pretty upset. At that time, we were working together pretty heavy. And he wanted to be on the record.”
(Entertainment Tonight)