MABINI, Batangas – Nasawi ang isang 24-anyos na binata nang malunod matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Barangay San Teodoro, Mabini, Batangas, nitong Linggo.
Dead on arrival sa Mabini General Hospital si Jhon Van Timkang De Dios, na taga-Quezon City.
Ayon sa report ni PO2 Leody Panganiban, hapon nang sumakay sa bangka ang biktima kasama ang mga kaibigan upang maglangoy sa dagat na sakop ng Aqua Garden Resort.
Bigla umanong tumaob ang bangka may 100 metro ang layo sa dalampasigan at nahulog sa dagat ang mga sakay nito.
(Lyka Manalo)